Matagumpay na Suppliers Fellowship 2023

Matagumpay na Suppliers Fellowship 2023

Kasabay ng ating pagdiriwang ng 30th Anniversary ay ang pagsasagawa ng matagumpay na Suppliers’ Fellowship na first time kong daluhan. Kabadong-kabado ako lalo na noong binanggit na mga owners ng Suppliers ang mga dadalo. Pinili ko pa ring mag-host kung saan ako komportable, salitang tagalog kahit alam kong malamang ay maraming mahusay mag-english sa mga bisita.
A day before nito ay nag ocular na tayo kasama ang Filstar Head na si Ma’am Eleneth para maging katuwang sa pagde-décor sa loob ng Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall. First time ko rin sa loob nito. Ang high end mula sa menu, food at ambiance ay bongga. Maging ang mga messages ng mga nagsalita ay punong-puno ng pagpapasalamat sa mga Suppliers natin na siyang likas na layunin nito. Pagkatapos ay masaya kaming nag picture taking lahat bilang isa na namang memorable moment. Ang tagumpay ng Pandayan ay tunay na mula sa nabuong magandang samahan sa pagitan ng mga Kapwa at mga Suppliers nating katuwang sa hanapbuhay. Kaya muli, Happy Anniversary sa aking mahal na Pandayan Bookshop!